Wednesday, 29 October 2008

Halloween Pranks Gone Wrong. [LOL]





Ayan kase! Haha. Wawa naman yung mga na-head shot.

Joker Interrogation Scene II



LOL again for this. F*cknut! Haha.

Tuesday, 28 October 2008

The Dark Knight - Spoof



Joker Interrogation Spoof. Watch it na lang! Haha. Hindi ko rin kasi maintindihan si Batman eh. Haha.

Domo arigato kay John Michael para dito.

Dedz Na Si Jigsaw.



I found this one dun sa mga related vids sa pranks, but this is a funny accident, hindi lang prank. :)

Super LOL ako grabe, then pinaulit-ulit ko talaga. Haha.

Toilet Prank :D [super LOL]



I got this from random browsing of pranks. Haha. T'was so cool.

It was like magsi-CR ka sa mobile toilet then BOOOOM, nasa office ka na paglabas mo. Haha.

...and the guy in green is cute. :) Haha.

Sunday, 26 October 2008

Things But Very Slowly



Cool 'to grabe. I don't need to explain things here. Yung video na bahala. Watch it. :)

*Sorry ngayon lang ako ulit nkapag-post. Busy eh.*

Domo arigato sa ex-boyfriend ko na si Kevin Quitco Santos para sa pag-GM ng video na 'to months ago ata. I just wanna put this here. Wahaha.

Tuesday, 21 October 2008

Scary Pranks [LOL]



- Just by random searching in YouTube, I got super LOL dito! Hahaha. :))

Curiosidade Fas PedestreTomar Torta Na Cara



- Pinapanood 'to sa akin ng EX ko. Haha. I just wanna share this prank to you.

Domo arigato Kevin Quitco Santos of Tukwila, Washington, for sharing this to me... >> and I know he'll never read this.

White & Nerdy [LOL]



- Title is White and Nerdy. Ang kulit! Nyahaha. Look at the man dancing! Haha. So funny. Hmmm yung kumakanta, si "Weird Al" Yankovic.

Domo arigato John Michael for linking... and for making me 'worship' Yankovic's music.

Roll Muna Bago Ipasok. Ingat Baka Mabutas Agad.

Roll mo muna bago ipasok pero mag-ingat ka baka mabutas agad. Alam kong mahaba pero tiisin mo. Dahan-dahanin mo hanggang umabot sa dulo.

- paano magsuot ng stockings :))... Hahaha parang ano lang noh?! [Yung iba dyan hindi yun alam.]

Domo arigato kay Lalique at Karla para dito.

Monday, 20 October 2008

Lola, Sayang Po Nailpolish.


Haha. Nagka-interest akong i-post 'to kasi napanood namin sya sa channel 2. Yung kay Kuya KIM. Nyahaha.


The longest nail award goes to Lee Redmond of USA! Yung pinakamahaba nyang kuko eh yung sa right thumb, 90 cm. Haha. Total length ng lahat ng nails nya is 8.65 m. Last sya nag-cut ng nails eh nung 1979 pa! OMG hindi pa ako tao nun.

Pero isa lang gusto ko malaman. Paano sya naghuhugas after tumae? Paano sya naghuhugas ng vajayjay? Paano sya nagfifingerlings?! Paano sya nagbu-booger? Haha.

Saturday, 18 October 2008

Tragic Romance

Oras na para sa isang seryosong usapan. Drama. Huhuhu.

Ito ay hango sa kwento ng buhay ng isang diyosang itatago na lang natin sa pangalang Mimi*. Kawawa naman sya dahil naiwan sya ng boyfriend nya. Nasa US na amputa at nangakong ipe-petition sya sa lalong madaling panahon. [Hindi ko na papahabain pa, ilalagay ko na lang ang scenes sa buhay nya na bibigyang pansin.]

Scene 1
Mimi*: Hala ang tagal ng biyahe! Gusto ko na makauwi para makausap ko si Hon*! Baka bukas ko na lang gagawin yung assignments ko tsaka baka bukas na ko makapag-aral sa quiz. Kailangan ko sya makausap kasi kailangan yun sa isang relasyon, lalo na't long distance. Hmm, magpupuyat na lang ako para sakto, umaga dun, gising sya ng mga midnight dito sa 'Pinas.

Scene 2
Bembol*: Hon*, absent ka sa araw ng flight ko ha.. para makasama kita bago ko umalis.
Mimi*: Oo sige. Sabihin ko na lang sa branch manager namin na may importante akong lakad. Maaayos din naman yun sa DTR ko eh.

Ang sweet noh? Kaso, sa huli, after ilang months nya sa US, nakipag-break si Bembol*... sa isang kadahilanang mapapatay mo talaga sya. Mababaw. Mabaho.

* hindi nila tunay na pangalan at tawagan

Anong gusto kong iparating?:


Respect those people who find time for you in their busy schedule. But really love those people who never see their schedule when you need them.

Mga mambabasa, obvious naman na yung scene 1 ay may kinalaman sa 1st sentence nung moral lesson, at yung scene 2, eh syempre dun sa 2nd. Pucha, totoo. I-apply po natin yung moral lesson. Sana medyo lang anoh, pahalagahan natin yung mga taong nandyan para sa atin. Hindi yung basta-basta na lang natin sila wawalain.

Domo arigato kay Des para sa pag-forward nung quote.

Do You Wanna Sh*t?

Hindi ka pa ba matae? Masama yan sa health! Try niyo yung natutunan ko sa PharDoseLab namin! Hahaha. May approved therapeutic claim 'to from my granny! Pero totoo! Kase USP 30 ung source namin dyan [United States Pharmacopoeia]. "Grabe naman yung suppository mo, halos lahat na ata ng laman ng tiyan ko, nilabas ko dun. Teka, ayan na naman", yan ang sabi niya. Nung una ayaw ko pagamit sa kanya kasi baka hindi gumana. Baka sabihin pa nilang bulaan ako..[wow tagalog!]. Pero yan, proud na ko. Gawin ko kayang business dito sa street namin? Haha.

Ano ba yung suppository? Syempre alam nating lahat na pampatae yun..yun yung local effect niya kung saan, sa upper 1/3 ng rectum mo pinapasok yung suppository. Pero pwede rin sya for systemic effect! Lower 1/3 naman ng rectum mo yung dapat maabot.

But wait, there's more! Eto yung types: rectal, vaginal, tsaka yung urethral. Takte! Nung araw na diniscuss yan sa amin, noon ko lang nalaman na meron palang urethral..eww kasi eh. Biruin niyo, papasukan ng suppository yung part niyo kung saan lumalabas yung wiwi! Oh, alam na ha. Haha. Ouch yan! Lalo na sa boys. Nyaha. Medyo hindi ko na ididiscuss yung dimensions., suppository bases, tska yung methods of preparation ha. Let's proceed na!

HOW TO MAKE GLYCERIN SUPPOSITORIES

Ingredients
: [Converted na yan para sa approximately 12 suppositories. Pwede na maghati ang buong pamilya or i-share sa friends na hindi rin matae.]

Glycerin (density = 1.25 g/mL) 24.4 mL
Sodium Carbonate Anhydrous (Na2CO3.H2O) 0.54 g
Stearic Acid 2.48 g
Purified H2O 1.67 mL
Mineral oil
molder [yung pang-suppository talaga... pero kung meron kayo dyan na pwede, why not?! basta kasing-shape ha... tska 32 mm ha.]

Ok! Saan kayo makakakuha nyan? Nyahaha sa Bambang meron siguro tsaka sa Laboratory nyo sa school! Hehehe.

Procedure: 1. Linisin & i-lubricate ng mineral oil yung molder then i-chill nyo.
2. Painitin yung glycerin. Syempre may lalagyan ka. 120°F ha. [Ok kaya nyo naman i-convert sa °C or K..as in Kelvin amp! Haha montik na... hello ex!] - This will serve as letter A.
3. Pagsamahin na yung purified water tska sodium carbonate anhydrous. - Letter B naman 'to.
4. A + B! Haha. *Note: Hindi ko sinabing B + A. Mali yun ha.*
5. Add stearic acid in portions! Haluin until maging translucent.
6. Kunin na yung molder. Then ibuhos na yung mixture nyo agad. Dapat umaapaw at hindi kinakabahan. Go lang. Huwag aalis sa isang butas hangga't 'di puno. Common sense lang kung bakit. Syempre diba mabubuo agad ung ilalim, paano pag hindi mo agad nalpuno. Tapos binakikan mo, eh di hindi sya buo pag lumabas. Gets? Haha.]
7. Ilagay sa ref hanggang mabuo or mag-congeal.
8. Pag buo na, alisin na sa molder.
9. I-wrap using aluminum foil... pero kung gusto mo na gamitin, then, insert it na sa iyong pwet.

Goodluck!

Medyo wala akong pictures nung ginagawa namin sya. Pero yung final product eto naman.


Domo arigato United States Pharmacopoeia para sa knowledge na 'to.

Friday, 17 October 2008

Mga Batang Malibog. Bow!


Nyahaha! I got this photo from a friend of a friend of my brother..[gulo ba?]. Kase medyo vi-niew nya yung profile ko sa friendster then comment 'to sa kanya. Clinick ko yung photo at napunta ko sa album ni ღღmAii*o24ღღ . Dun ko siya nakuha. :)

Napa-shet talaga ako! Nyahaha. Look oh. Ginagaya nung mga kids yung nasa blackboard nila! May Sex Education agad oh! Buti pa sila, maaga namulat! Haha.

Domo arigato kay ღღmAii*o24ღღ para sa picture na 'to!


Bitter Message

"Kayo na pala? Take good care of him na lang ah. Minsan kasi pag nakawala yan, BUMABALIK SA AKIN."

Yun yon eh! Go girls! Haha. Taray!
Domo arigato kay Karla ng 2dph para dito.

Mahal Din Kita Dante.

Dante: Matagal ko nang tinatago 'tong nararamdaman ko sayo. Mahal na mahal kita. Lahat gagawin ko mapasaya ka lang.

Vince: Akala mo ba ikaw lang ang nagtatago ng nararamdaman? Ako din. Mahal din kita Dante.

Dante: Par, wrong send ako. Sensya na ah.

PATAY! NYAHAHA.

Domo arigato kay Raffy ng 2dph para dito.

Thursday, 16 October 2008

Gusto Ko Ng Baboy!



Soooooo cute. I forgot na kung saan ko yan nahalukay sa net at kung bakit pero grabe, I want one. Kahit isa lang! These little gelatinous, plastic toys are called Lokulokus. Throw them onto a solid platform and they'll be squashed flat. Then they'll slowly return to their normal shape. Syempre made in Japan. Kaya ko nga gusto pumunta dun. Ang galing nila mag-imbento. Hindi ko pa alam kung meron nito dito sa Pearl of the Orient [grabe, pinaganda pa.] Hmmm, $3 daw sa Japan.

For those na medyo gusto, tulong-tulong tayo sa paghanap dito sa atin. Haha.

Hate Your Ex?

Tae talaga. Hirap mag-move on noh? Tapos yung nakakainis pa dun, pag ikaw yung lugi! "Shet! Ako na nga 'tong iniwan, ako pa yung brineyk? Puuuuhtaaaa.," - ayan sample. Nyaha.

Para sa may mga ganyang cases, most of you gustong sapakin yung thick face ng magaling nyong SHOTA noh. Kaya lang syempre, wala sila sa tabi niyo..[nang-iwan nga eh! lumayo!]. Ayun. may nkita akong site to MANAGE YOUR ANGER EASILY. Virtual. Kase yung iba gusto ngang patayin yung ex nila, kaso LOVE PA RIN NILA! That really is..uhm..sige sad na lang. Haha.

Here's the link:

GANTIHAN NA! >:D

Yan na. Sige lang! Patayin nyo na sya! Nyahaha. /evil laugh

First Blood!

Wow. First blood - parang DOTA lang?! Yeahba! Unang entry ko! Shet. May umaalulong na na doggie sa labas. Haha ok lang.

Hmmm. Hindi na naman ako makatulog. Side effect siguro nung iniinom kong dietary supplement.

Ganito na lang. Yung mga entries ko dito sa blog, walang particular theme. Siguro kung ano na lang trip ko sa araw na yun. Tapos, hindi ko i-a-assure na araw-araw yung entry dito because student ako, eh di syempre busy noh. Tapos, hindi literature-related nor computer-related yung course ko kaya don't expect na bonggang-bongga ung grammar ko and yung layout. Sorry na!

Dapat din english yung gagamitin ko para kahit mga taga-ibang kontinente, maintindihan. But naisip ko, PINOY AKO. Proud ako. Di tulad ng iba. EWAN KO SA KANYA HA...[shet giyera na toh?!].

Uhm..sana hindi ako tamarin mag-update. Yun lang muna. And sana po wala pong spam. Or kung panget naman comment nyo, wag na lang ipost. Hehe. Peace.