Saturday, 18 October 2008

Do You Wanna Sh*t?

Hindi ka pa ba matae? Masama yan sa health! Try niyo yung natutunan ko sa PharDoseLab namin! Hahaha. May approved therapeutic claim 'to from my granny! Pero totoo! Kase USP 30 ung source namin dyan [United States Pharmacopoeia]. "Grabe naman yung suppository mo, halos lahat na ata ng laman ng tiyan ko, nilabas ko dun. Teka, ayan na naman", yan ang sabi niya. Nung una ayaw ko pagamit sa kanya kasi baka hindi gumana. Baka sabihin pa nilang bulaan ako..[wow tagalog!]. Pero yan, proud na ko. Gawin ko kayang business dito sa street namin? Haha.

Ano ba yung suppository? Syempre alam nating lahat na pampatae yun..yun yung local effect niya kung saan, sa upper 1/3 ng rectum mo pinapasok yung suppository. Pero pwede rin sya for systemic effect! Lower 1/3 naman ng rectum mo yung dapat maabot.

But wait, there's more! Eto yung types: rectal, vaginal, tsaka yung urethral. Takte! Nung araw na diniscuss yan sa amin, noon ko lang nalaman na meron palang urethral..eww kasi eh. Biruin niyo, papasukan ng suppository yung part niyo kung saan lumalabas yung wiwi! Oh, alam na ha. Haha. Ouch yan! Lalo na sa boys. Nyaha. Medyo hindi ko na ididiscuss yung dimensions., suppository bases, tska yung methods of preparation ha. Let's proceed na!

HOW TO MAKE GLYCERIN SUPPOSITORIES

Ingredients
: [Converted na yan para sa approximately 12 suppositories. Pwede na maghati ang buong pamilya or i-share sa friends na hindi rin matae.]

Glycerin (density = 1.25 g/mL) 24.4 mL
Sodium Carbonate Anhydrous (Na2CO3.H2O) 0.54 g
Stearic Acid 2.48 g
Purified H2O 1.67 mL
Mineral oil
molder [yung pang-suppository talaga... pero kung meron kayo dyan na pwede, why not?! basta kasing-shape ha... tska 32 mm ha.]

Ok! Saan kayo makakakuha nyan? Nyahaha sa Bambang meron siguro tsaka sa Laboratory nyo sa school! Hehehe.

Procedure: 1. Linisin & i-lubricate ng mineral oil yung molder then i-chill nyo.
2. Painitin yung glycerin. Syempre may lalagyan ka. 120°F ha. [Ok kaya nyo naman i-convert sa °C or K..as in Kelvin amp! Haha montik na... hello ex!] - This will serve as letter A.
3. Pagsamahin na yung purified water tska sodium carbonate anhydrous. - Letter B naman 'to.
4. A + B! Haha. *Note: Hindi ko sinabing B + A. Mali yun ha.*
5. Add stearic acid in portions! Haluin until maging translucent.
6. Kunin na yung molder. Then ibuhos na yung mixture nyo agad. Dapat umaapaw at hindi kinakabahan. Go lang. Huwag aalis sa isang butas hangga't 'di puno. Common sense lang kung bakit. Syempre diba mabubuo agad ung ilalim, paano pag hindi mo agad nalpuno. Tapos binakikan mo, eh di hindi sya buo pag lumabas. Gets? Haha.]
7. Ilagay sa ref hanggang mabuo or mag-congeal.
8. Pag buo na, alisin na sa molder.
9. I-wrap using aluminum foil... pero kung gusto mo na gamitin, then, insert it na sa iyong pwet.

Goodluck!

Medyo wala akong pictures nung ginagawa namin sya. Pero yung final product eto naman.


Domo arigato United States Pharmacopoeia para sa knowledge na 'to.

1 comment:

XiR.. said...

wahaha..ituturo dn kaya smen toh? sana...pra alam q na agad! hahaha..:DD