Saturday, 18 October 2008

Tragic Romance

Oras na para sa isang seryosong usapan. Drama. Huhuhu.

Ito ay hango sa kwento ng buhay ng isang diyosang itatago na lang natin sa pangalang Mimi*. Kawawa naman sya dahil naiwan sya ng boyfriend nya. Nasa US na amputa at nangakong ipe-petition sya sa lalong madaling panahon. [Hindi ko na papahabain pa, ilalagay ko na lang ang scenes sa buhay nya na bibigyang pansin.]

Scene 1
Mimi*: Hala ang tagal ng biyahe! Gusto ko na makauwi para makausap ko si Hon*! Baka bukas ko na lang gagawin yung assignments ko tsaka baka bukas na ko makapag-aral sa quiz. Kailangan ko sya makausap kasi kailangan yun sa isang relasyon, lalo na't long distance. Hmm, magpupuyat na lang ako para sakto, umaga dun, gising sya ng mga midnight dito sa 'Pinas.

Scene 2
Bembol*: Hon*, absent ka sa araw ng flight ko ha.. para makasama kita bago ko umalis.
Mimi*: Oo sige. Sabihin ko na lang sa branch manager namin na may importante akong lakad. Maaayos din naman yun sa DTR ko eh.

Ang sweet noh? Kaso, sa huli, after ilang months nya sa US, nakipag-break si Bembol*... sa isang kadahilanang mapapatay mo talaga sya. Mababaw. Mabaho.

* hindi nila tunay na pangalan at tawagan

Anong gusto kong iparating?:


Respect those people who find time for you in their busy schedule. But really love those people who never see their schedule when you need them.

Mga mambabasa, obvious naman na yung scene 1 ay may kinalaman sa 1st sentence nung moral lesson, at yung scene 2, eh syempre dun sa 2nd. Pucha, totoo. I-apply po natin yung moral lesson. Sana medyo lang anoh, pahalagahan natin yung mga taong nandyan para sa atin. Hindi yung basta-basta na lang natin sila wawalain.

Domo arigato kay Des para sa pag-forward nung quote.

3 comments:

XiR.. said...

wahaha..san mo nkuha ang mimi at bembol?
XDDD

nakakaiyak nga yan..naku..
='(

lacarotica said...

mimi = mhie mhie

bembol = wla lng noh.,

Anonymous said...

special mention ako d2 hehe, nuy tama n yn, wag n pairalin ang asaness owkie? we're hir 4 yuuu haha