Monday, 15 June 2009

Wala Na. Patay Na Siya..... :(





Paolo: Ate Carla? Ate Carla?

Ako: Oh?
Paolo: YUNG PUSA NIYO PONG PUTI NASAGASAAN.

Ako: HA? (sabay tingin kay Gremo)


Paolo: Si Hatton po, nasagasaan.


Ako: Ha? Asan na???
Paolo: Ayun po, PATAY NA PO.

Ako: (shocked)


(Lumabas kami ng gate. Hindi ko alam kung paano paghahandaan kung ano man ang itsura ni Hatton.)


Ayan, kwento ko na...

Eh di lumabas na nga kami, nakita ko si Hatton, nakahiga. Exposed yung left side niya. Kala ko naman walang dugo. Tinanong ko sila, saan ba tumama, ano nakasagasa, nakita ba nila. Sabi nila, VAN DAW. Hindi nga lang nila nakuha yung plate number.

Anak ng... kaya kong pumatay nong oras na yun! Oo at hindi nga kasalanan ng driver kasi nag-intersect talaga sila, like tumawid si Hatton ng mabilis na sakto namang pagdaan nung van. Kaso hello...hindi ito highway!


HIT AND RUN! Poooooooch.


Tinuro nila sa amin yung dugo sa kalsada. ANG DAMI! Tinuro nila yung tama. Ayun! Sa ulo.
Inangat ni Gremo si Hatton. Leche! Yung right side niya, kulay pula na! Puro dugo. Yung bibig niya, nagdudugo. Medyo nakikita yung mga mata niya. Hindi na masyadong blue. Yung pangil daw sabi ni Gremo medyo nakalabas. Dati pag namamatayan kami ng alaga, pinipicturan namin para may remembrance. Kaso eto, hindi ko ma-take. Hindi ko na natagalang tingan kasi awang-awa ako.

Gustong-gusto ko na umiiyak non pero mataas yung level ng galit ko sa van. Kung nakita ko lang yung nangyari, tapos nasa akin yung baril dito, binaril ko na yung gulong eh.


Kasi naman eh. Yung kapit-bahay namin sa harap, kinukuha siya tapos pinapakain. Baka pupuntahan niya yon. Pero napakain naman na namin siya. Basta gumagala sila pag gabi. Hindi naman na namin masuway.

Nilibing namin siya sa kabilang street. Sa may mga halaman.

Naalala ko tuloy yung mga last hours niya. Nong tanghali, first time niyang nag-initiate makipagharutan sa akin.


Pagkatapos niya mag-dinner, nakakatuwa yung posisyon niya. Napansin agad ni mommy. Nung naliligo si Gremo, naghaharutan pa sila Ming at Hatton sa CR eh.

Nung papunta kaming simbahan, humahabol pa siya.


:(


Kawawa nga eh, equal nga lang tingin ko sa kanila ni Ming pero mas spoiled si Ming kaya si Hatton palaging hindi namin nalalaro. Kasi naman nung una, medyo wild siya. Kaso lately naging maamo na siya. Lalo na sa akin. Siya nga lang yung madalas na pag kinausap ko, sumasagot. Tsaka gustong-gusto niya pag hinihimas ko siya. Ang cute pa ng sound niya pag kumakain. Hindi ko navideo. Sayang. Ang cute niya pala pag napaliguan. Dati kasi hindi siya pansinin. Ang dungis kasi.

Tapos nung day before, may time pa na naka-squat ako, lumapit siya tapos tumabi. :(

(Naiiyak na naman ako....................)


Kung dati wild siya, ngayon pinapaliguan niya yung mga kuting ng kapitbahay namin tsaka si Ming. Super sweet na niya ngayon. Tapos pinapapasok na namin siya ng bahay kasi hindi na siya masungit. Ang close-close na namin. Tapos biglang.......mawawala na lang.
Hindi ako nagbibiro. Oras na malaman ko kung anong van yung nakasagasa...pag nakita ko yun, gagasgasan ko yun at tutusukin ko gulong non. Hindi naman DAW kasalanan ng driver..pero sana alam niya paano mag-brake tsaka magbagal ng speed kung hindi naman ito highway.

At may naka-recognize eh. Anak ng tupa, dumaan ulit. Nag-stop, tapos ngumiti. WHY SMILE, YOU D*MBF*CK?

Namatay siya 10 days before birthday ko. One month before birthday ni Gremo. Ano ba yon... Kung sana lang mag-milagro. Kung nabuhay siya, siguro lesson na yun sa kanya na huwag basta-basta tatawid. Kaso...wala na.


June 14, 2009; 10 pm... :(

2 comments:

XiR.. said...

huhu..nakakalungkot sooobra..=(

lacarotica said...

Andìt0 kme tutuban. Naalala q xa knina. Nasasad aq. Teary eyed